France naglunsad ng air strike laban sa extremists sa Syria

By Jay Dones September 27, 2015 - 08:28 PM

 

Inquirer fil;e photo

Kinumpirma ng France ang paglulunsad nito ng kauna-unahang airstrike laban sa mga Islamic extremists sa Syria.

Ayon sa tanggapan ni French President Francois Hollande, isinagawa ang mga airstrikes upang malabanan at masupil ang banta ng terorismo na pinangungunahan ng Islamic State.

Ayon naman kay French Prime Minister Manuel Valls, inilunsad ang mga airstrike bilang ‘self defense’ at sinalakay lamang ang mga lugar na pinanggalingan ng mga teroristang unang sumalakay sa France.

Gayunman, hindi tinukoy ng pinuno ang eksaktong lugar ng mga pambobomba.

Ang operasyon ng France ay hiwalay pa sa serye ng mga airstrikes na isinasakatuparan ng coalition na pinangungunahan ng Amerika.

Matatandaang noong Enero, sinalakay ng mga pinasok ng mga Islamist terrorist ang tanggapan ng Charlie Hebdo, isang satirical magazine at pinaulanan ng bala ang mga manggagawa dito.

Kasabay nito, isang kosher market din ang sinalakay ng mga gunman.

Sa dalawang naturang pagsalakay, nasa 20 ang namatay at nasa 22 naman ang nasugatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.