Klase sa lahat ng mga paaralan sa Albay, balik-normal na ngayon

By Mark Makalalad January 22, 2018 - 04:11 AM

Balik normal na ngayong araw ng Lunes, January 22, ang klase ng mga paaralan sa Albay.

Sa inilabas na advisory ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Albay na nilagdaan ni Mayor Al Francis Bichara, sinabi na binabawi na ang class suspension advisory na inilabas noong January 14.

Sakop ng anunsyo ang mula kinder hanggang senior high school na naantala ang klase dahil sa banta na dulot ng Bulkan.

Ang anunsyo ng PDRRMO ay kasunod na rin ng utos ng Department of Education na dapat matuloy ang mga klase para makahabol sa pagtatapos ng school year.

Nabatid kasi na mahihirapan ang mga mag-aaral sa paghahabol ng mga lesson lalo na yung mga senior high school na magtatapos.

Matatandaang una nang bumalik sa normal ang klase sa Legazpi City noong Biyernes dahil nakabalik na sa kanilang mga bahay ang mga bakwit na malayo sa permannet danger zone na itinakda naman ng PHIVOLCS.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.