Palasyo, ipinagkibit-balikat ang bagong away ng China at US sa Panatag Shoal
Walang balak ang Palasyo na makialam sa girian ng China at ng Estados Unidos sa Panatag Shoal na nasa West Philippine Sea.
Kamakailan kasi ay inakusahan na naman ng China ang Estados Unidos ng paglabag sa kanilang soberenya nang paglayagin ng Washington ang missile destroyer na USS Hopper malapit sa Panatag Shoal.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw na nilang makibahagi pa sa aniya’y “US-China intramural.”
Dumipensa ang US sa ginawang paninita sa kanila ng China at iginiit na wala silang nilalabag sa international law.
Kaugnay nito, sinabi ni Roque na maaring asikasuhin ng US ang sarili nilang interes.
Samantala, sa gitna ng pagpoprotesta ng China sa presensya ng bandila ng Estadosn Unidos sa Panatag, nilinaw ni Roque na ang claim ng Pilipinas sa nasabing teritoryo ay kinikilala sa ilalim ng Konstitusyon at ng international law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.