2 rebelde, patay sa engkwentro sa Compostela Valley

By Kabie Aenlle January 22, 2018 - 04:04 AM

Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa pakikipagbakbakan sa mga sundalo sa New Bataan, Compostela Valley noong Sabado.

Rumesponde ang mga sundalo ng 66th Infantry Battalion sa mga ulat ng umano’y pangha-harass sa Sitio Tadia sa Barangay Bantacan nang maka-engkwentro nila ang nasa 30 rebelde, umaga ng sabado na tumagal ng halos isang oras.

Ayon kay 66th IB commander Lt. Col. Palmer Parungao, narekober nila ang bangkay ng dalawang rebelde kasama ang limang matataas na kalibre ng armas, siyam na improvised explosive devices (IED), dalawang binoculars, isang rifle grenade, mga kable ng kuryente at mga gamit pampasabog.

Maliban dito, nakuha din nila ang limang cellphones, isang handheld radio, medical kits, mga personal na gamit, pagkain at mga “subversive documents.”

Samantala, isang sundalo naman ang nasugatan na dinala sa military hospital malapit sa nasabing lugar, pero nasa maayos naman na itong kondisyon.

Ipinaubaya naman na nila sa mga opisyal ng New Bataan ang mga bangkay ng mga nasawing rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.