Palasyo, nanindigang wala nang iaapela ang MIASCOR sa pangulo

By Kabie Aenlle January 22, 2018 - 04:02 AM

Photo from miascor.com

Wala nang iaapela pa ang MIASCOR Groundhandling Corp. kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pag-terminate nito sa kanilang kontrata sa pagbibigay serbisyo sa gobyerno.

Matatandaang nagalit si Pangulong Duterte sa MIASCOR matapos mawalan ng bagahe ang isang overseas Filipino worker sa Clark International Airport kamakailan.

Dahil dito ay ipinag-utos niya ang pag-terminate sa kasunduan ng MIASCOR at ng gobyerno, na agad namang sinunod ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nag-abiso sa kumpanyang lisanin na ang paliparan sa loob ng 60 araw.

Magbabakasakali sana ang MIASCOR at aapela sa pangulo upang mabago ang desisyon nito dahil may 4,000 na empleyadong maaapektuhan ng pagkansela sa kasunduan.

Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala nang iaapela pa ang MIASCOR dahil nag-expire na ang kontrata sa MIAA ang naturang kumpanya.

Ayon pa kay Roque, nauunawaan nila ang sitwasyon ng mga empleyado ngunit hindi naman nila aniya pwedeng bigyan ng concession ang MIASCOR nang dahil lang dito.

Nag-expire ang lease and concession agreement ng MIAA at MIASCOR noon pang March 31, 2017.

Ayon pa kay Roque, hindi ni-renew ng MIAA ang kontrata ng MIASCOR dahil sa maraming insidente ng pilferage sa Ninoy Aquino International Airport at Clark International Ariport.

Kabilang aniya dito ang pagkakanakaw ng mga alahas ng misis ni Turkish Foreign Minister Melvut Cavusoglu.

Giit ni Roque, pangunahing prayoridad nila ang national interest sa sitwasyong ito, partikular na ang pagprotekta sa mga biyahero at sa kanilang mga bagahe.

Layon din nilang huwag ma-turn off ang mga potensyal na investors at mga turista sa mga ganitong pangyayari.

Ani pa Roque, maari namang ma-absorb ng ibang ground handlers ang mga empleyadong maapektuhan ng termination, lalo na ang mga kwalipikadong empleyado ng MIASCOR.

Tiniyak naman din ng Palasyo na hindi maaapektuhan nito ang serbisyo sa mga pasahero at biyahero sa mga paliparan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.