Lava fountain, nasaksihan sa Bulkang Mayon

Nasaksihan ang lava fountain na lumabas mula sa Bulkang Mayon, Lingggo ng gabi.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang lava fountain na sumirit mula sa bulkan na may taas na 500 metro, ganap na 10:45 kagabi.

Kasabay ng pagbuga ng lava ng bulkan ay ang pagbuga din nito ng ash plume na hindi pa natutukoy kung gaano kataas ang inabot.

Natangay patungo sa direksyong southwest ang nasabing ash plume na bumagsak sa bayan ng Guinobatan.

Nagsimula sa mahina lamang ang paglabas ng lava mula sa Bulkang Mayon na kalaunan ay bahagya pang lumakas at umabot sa 500 metro, na nagmistulang isang paputok.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...