Problema sa air pollution ng Nepal, patuloy na lumalala

COURTESY: AFP

Lumabas sa isang pag-aaral ng Ministry of Urban Development na mahigit 80% ng mga Nepalis na naninirahan sa mga lungsod ay lumalanghap ng hindi malinis na hangin.

Batay sa pag-aaral na pinamagatang ‘Inclusive Cities: Resilient Communities,’ ang hangin sa mga lungsod sa Nepal ay lagpas sa safety limits na inirekumenda ng World Health Organization (WHO).

Sa datos ng WHO, 36 sa 100,000 na tao sa Nepal ang namamatay dahil sa sakit na dulot ng air pollution.

Sinisisi ng ilang mga residente kagaya ng Kathmandu Valley ang pagdami ng mga sasakyan ang at kawalan ng pakialam ng kanilang pamahalaan sa pagbababa ng kalidad ng hangin na kanilang nilalanghap.

Anila, lalo pang lumalala ang polusyon sa Kathmandu Valley sa bawat pagdating ng taglamig sa kanilang lugar.

Ayon kay dating Election Commissioner Birendra Mishra, kailangan nang umaksyon ng pamahalaan para ma-control ang polusyon sa hangin sa Nepal.

Aniya, maging ang bawat isang Nepali ay dapat nang gumawa ng paraan para maging mas maayos ang kanilang nilalanghap na hangin.

Read more...