Otoridad, itinuturong nasa likod ng pagpatay sa isang aktibista sa Tagum City

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 06:32 PM

Itinuturo ng isang human rights group ang mga otoridad na nasa likod ng pamamaslang sa isang aktibista sa Tagum City. Ayon kay Karapatan Southern Mindanao Secretary General Jay Apiag, si James Flores ay isang aktibong miyembro ng Pederasyon sa tanang Asosasyon sa mga Mag-uuma ug Lumad sa Agusan ug Davao (PAMULAD). Aniya, matagal nang tinatarget ng mga militar at pulis ang mga aktibista para sila ay manahimik. Sabado ng bandang alas-6 ng gabi nang pagbabarilin hanggang sa mapatay si Flores sa tapat ng isang mall sa Tagum City. Hanggang sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang salarin. Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang mga otoridad tungkol sa alegasyon ng Karapat. Ngunit sa mga naunang katulad na insidente ay itinanggi ng mga otoridad ang kanilang pagkakasangkot sa mga ito.

TAGS: Karapatan, Mag-uuma ug Lumad sa Agusan ug Davao (PAMULAD), tagum city, Karapatan, Mag-uuma ug Lumad sa Agusan ug Davao (PAMULAD), tagum city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.