Kampo ni Sereno, minaliit ang testimonya ng mga mahistrado ng Korte Suprema

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 03:48 PM

Ipinagkibit-balikat lamang ng kampo ni Chief Justce Ma. Lourdes Sereno ang testimonya ng anim na associate justice.

Sa isang panayam, sinabi ng abugado ni Sereno na si Jojo Lacanilao, maliit lamang ang epekto ng mga testimonya ng mga associate justice sa impeachment case laban sa punong mahistrado.

Ani Lacanilao, pawang mga personal na opinyon lamang ang sinabi ng anim na mga Supreme Court justices at hindi ito sapat upang maging batayan para matanggal sa pwesto si Sereno.

Aniya, ginigipit lamang si Sereno para magbitiw sa pwesto. Ngunit mananatiling lumalaban ang chief justice.

Ayon pa kay Lacanilao, kailangang patunayan ng Kongreso ang mga complaint na nakasampa laban kay Sereno at handa silang harapin ang mga ito.

Dagdag ni Lacanilao, marami lamang ang gustong pabagsakin si Sereno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.