Pag-aalburuto ng Bulkang Mayon, nagpapatuloy; 14 na rockfall events, naitala sa magdamag

By Mark Makalalad January 21, 2018 - 12:59 PM

Kuha ni Mark Makalalad

Patuloy ang pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Sa monitoring ng seismic team ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 14 na rockfall events at 10 pyroclastic density currents ang kanilang naitala sa aktibidad ng Mayon sa nakalipas na 24 na oras.

Bukod dito, aabot pa rin sa 3 kilometro ng lava flow ang ibinubuga ng Bulkan na umaagos naman sa southern part nito.

Napansin din ang crater glow sa tuktok ng Mayon na nangangahulugan umano ng patuloy na pamamaga nito.

Nitong Sabado, 5 rockfall events lamang ang naitala ng Mayon mas mababa kumpara sa mga nakalipas na araw.

Nanatili ang alert level 3 sa Mayon sa kabila ng patuloy na pagpaparamdam nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.