Sanofi, hindi pa ligtas sa isyu ng Dengvaxia kahit nagbayad na ayon sa DOH
Hindi pa ligtas ang french pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur sa isyu ng Dengvaxia.
Ito ang pahayag ni Health Sec. Francisco Duque sa kabila ng pagbabayad ng kumpanya sa pamahalaan para sa mga hindi nagamit na dengue vaccine.
Ayon kay Duque, pag-aaralan pa rin nila kung mayroong mga impormasyon na itinago ang Sanofi tungkol sa paglulunsad ng immunization program noong nakaraang administrasyon.
Mahigit 1.161 bilyong piso ang binayaran ng kumpanya sa pamahalaan.
Samantala, hindi pa tuluyang nababawi ng Sanofi ang hindi na nagamit na stock ng Dengvaxia mula sa mga local government unit sa Cebu at iba pang lalawigan.
Una nang nilinaw ng Sanofi na ang kanilang desisyon na magbayad sa gobyerno ay walang kinalaman sa isyu ng kaligtasan o kalidad ng Dengvaxia.
Sinabi naman ni Duque na ilalabas nila ang resulta ng ginawang pag-aaral sa kaso ng hindi bababa sa labing apat na bata na naturukan ng Dengvaxia.
Malalaman sa ginawang pag-aaral kung may kinalaman ang pagkasawi ng mga bata sa kontrobersyal na dengue vaccine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.