Bagaman maulan ay libu-libo pa rin ang lumahok sa halos apat na oras na prusisyon kahapon sa karangalan ng patron ng lalawigan.
Ayon kay Cebu City Director Senior Superintendent Julian Entoma, tinatayang nas 500,000 ang lumahok sa prusisyon ganap na 2:50 pa lang ng hapon.
Dumaan ang carroza ng senyor sa Osmeña Boulevard, Gen. Maxilom Avenueat MJ Cuenco Avenue bago ito nakabalik sa simbahan pasado alas-5 ng hapon.
Samantala, sa Maynila naman kung saan sikat din ang debosyon sa Sto. Niño ng Tondo, ay pinuno ng mga mananamapalataya ang mga kalsada para sa tradisyunal na Lakbayaw.
Nagsimula ang kapistahan ng Sto. Niño de Tondo, Sabado pa lamang kahapon kung saan sinimulan ang 33 sunud-sunod na misa na nagsimula alas-3 ng hapon habang ang huling misa ay sa alas-11 ng gabi ng Linggo.