Pangulong Duterte at Polong, hindi dumalo sa debut ni Isabelle

By Rhommel Balasbas January 21, 2018 - 05:29 AM

Photo from RNEP Events IG

Hindi dumalo sa debut ng kotrobersyal na ‘presidential granddaughter’ na si Isabelle Duterte ang kanyang lolo na si Pangulong Rodrigo Duterte maging ang kanyang ama na si Davao Vice Mayor Paolo Duterte.

Nauna nang nakatanggap ng kritisismo mula sa publiko ang naging ‘pre-debut photo shoot’ ni Isabelle sa Palasyo ng Malacañang.

Gayunman, naging matagumpay pa rin ang pagdaraos ng debut na naganap sa The Peninsula Manila nitong Biyernes.

Ayon sa staff ng Malacañang, bumalik na ng Davao City si Pangulong Duterte gabi ng Huwebes.

Batay din sa mga ulat, nanatili lamang din sa lungsod si Paolo noong Biyernes.

Ang kapatid ni Isabelle na si Omar ang naging kinatawan ng Vice Mayor sa debut.

Samantala, present naman sa okasyon ang kanyang ina na si Lovelie Sangkola Sumera, suot ang kanyang ‘gem-encrusted’ hijab.

Suot ng debutante ang ‘regal blue gown’ na may Swarobski crystals na ginawa mismo ng Dubai-based designer na si Michael Cinco.

Someone beautiful is wearing this stunning ombré cobalt blue ball gown studded with full degrade Swarovski crystals on her 18th birthday today…Thank you @rozenantonio for the amazing photo @sayed5inco @asiancouturefederation @couturissimo @salon_korona_ @reemdresses @nada_zamzam8 @couturenotebook @lovinghautecouture @thecatwalkitalia @classylebanese @wedluxe #couture #18Birthday #GrandDaughter #CobaltBlue #Ballgown #Philippines #Dubai #Bellissima #MyDubai #MadeinDubai #MichaelCinco

A post shared by MICHAEL CINCO Dubai (@michael5inco) on Jan 19, 2018 at 7:27am PST

TAGS: Isabelle Duterte's debut, President Duterte and VM Polong no show in Isabelle's debut, Isabelle Duterte's debut, President Duterte and VM Polong no show in Isabelle's debut

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.