3 ex-narco politicians, bagong miyembro ng PDP-Laban

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 05:13 AM

Tatlong alkalde na dating kabilang sa narco list ng pamahalaan ang ngayon ay miyembro na ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Ito ay sina Maasin Mayor Mariano Malones, Calinog Mayor Alex Centena, at Carles Mayor Siegfredo Betita na pare-parehong mga alkalde ng Iloilo.

Ayon kay Iloilo Governeor Athur Defensor Sr., tinanggal na ang tatlong mga alkalde mula sa listahan ng mga pulitiko na sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Ito ay kinumpirma rin ni PDP-Laban secretary speaker at House Speaker Pantaleon Alvarez bago naganap ang oath-taking ng mga alkalde sa Potatan Astrodome.

Samantala, pito pang mga lokal na opisyal sa Iloilo ang kabilang sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga narco politicians. Ngunit itinanggi naman ng mga ito ang mga alegasyon.

TAGS: Narco-politicians join PDP-Laban, PDP Laban, Narco-politicians join PDP-Laban, PDP Laban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.