P6M halaga ng donasyon, nakalap para mga nasalanta ng pag-aalburoto ng Mayon

By Mark Makalalad January 21, 2018 - 05:01 AM

Aabot na sa mahigit P6 Milyon ang mga donasyon na nakalap ng Provincial Social Welfare Development Office ng Albay.

Ayon kay Dr. Eva Grageda, Officer-In-Charge ng PSWDO, kabilang sa mga donasyon na kanilang tinanggap ay 150 sako ng NFA rice, 5,500 family food packs, 11,000 piraso ng malong, 600 blankets at 600 mats.

Nakatanggap din sila ng mga gamot.

Samantala, maliban sa mga donasyon na direkta nilang tinanggap, mayroon ding mga donasyon na idinerekta ng mga donor sa evacuation centers.

Inanyayahan naman ng PSWDO ang lahat pa ng mga gustong tumulong sa kanila na makipag-ugnayan sa kanilang opisina at tumawag sa kanilang numero na 742 6101.

TAGS: DSWD Bicol Region, P6M donation for Mayon evacuees, Provincial Social Welfare Development Office - Albay, DSWD Bicol Region, P6M donation for Mayon evacuees, Provincial Social Welfare Development Office - Albay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.