Ito ay sa ilalim ng unconditional cash transfer (UCT) na bahagi naman ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Ayon kay DSWD officer-in-charge Emmanuel Leyco, ang Kongreso ang nag-atang sa kanila ng responsibilidad ng pamamahagi ng financial assistance.
Aniya, ipapatupad ang UCT scheme sa loob ng tatlong taon, kagaya ng nakasaad sa TRAIN.
May kabuuang P2,400 o P200 kada buwan ang ipapamahagi ng DSWD para sa 2018, P3,600 o P300 kada buwan para sa 2019 at 2020.
Kabilang sa mga makakatanggap ng subsidiya ang 4.4 milyong pamilya sa ilalim ng Pantawid Pamilya Program, 3 milyong mahihirap na senior citizen, at 2.6 milyong pamilya na pinili mula sa National Household Targeting System (NHTS-PR).