10M mahihirap na pamilya, makakatanggap ng P200 tax reform subsidy

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 04:57 AM

Sa katapusan ng buwan magsisimula ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng P200 kada buwan sa nasa 10 milyong pamilya.

Ito ay sa ilalim ng unconditional cash transfer (UCT) na bahagi naman ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon kay DSWD officer-in-charge Emmanuel Leyco, ang Kongreso ang nag-atang sa kanila ng responsibilidad ng pamamahagi ng financial assistance.

Aniya, ipapatupad ang UCT scheme sa loob ng tatlong taon, kagaya ng nakasaad sa TRAIN.

May kabuuang P2,400 o P200 kada buwan ang ipapamahagi ng DSWD para sa 2018, P3,600 o P300 kada buwan para sa 2019 at 2020.

Kabilang sa mga makakatanggap ng subsidiya ang 4.4 milyong pamilya sa ilalim ng Pantawid Pamilya Program, 3 milyong mahihirap na senior citizen, at 2.6 milyong pamilya na pinili mula sa National Household Targeting System (NHTS-PR).

TAGS: dswd, Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, unconditional cash transfer (UCT), dswd, Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, unconditional cash transfer (UCT)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.