500 bagong miyembro ng LP, nanumpa na

By Justinne Punsalang January 21, 2018 - 04:53 AM

Liman daang mga bagong miyembro ng Liberal Party ang sabay-sabay na nanumpa sa ika-72 founding anniversary ng partido noong Biyernes.

Ginanap ang tatlong sabay-sabay na oath-taking ceremony sa mga lungsod ng Maynila, Naga, at Cebu.

Ayon kay dating Pangulong Benigno Aquino III, sa ngayon ay binubugbog ang kanilang partido ngunit malapit na aniya silang muling bumangon.

Dumalo rin sa pagdiriwang sa Maynila si Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang talumpati sa pagsalubong sa mga bagong miyembro ay hinimok niya ang mga kapartido na huwag mawalan ng pag-asa.

Samantala, si Ifugao Representative Teddy Baguilat Jr. ang nanguna sa oath-taking sa Naga City, habang si Senador Francis Pangilinan naman ang nanguna para pagdiriwang sa Cebu City.

TAGS: 500 joins LP in Cebu, liberal party, 500 joins LP in Cebu, liberal party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.