India, nagpalipad ng Ballistic Missile

By Rhommel Balasbas January 21, 2018 - 04:24 AM

AFP Photo

Matagumpay na nailunsad ng India ang kanilang Agni-V, isang ‘nuclear capable intercontinental ballistic missile’ (ICBM).

Ayon sa Defense Ministry ng India, ang Agni-V ay ang ‘most-advance ICBM’ ng bansa at itinuturing itong ‘major boost’ sa kanilang kakayahang pangmilitar.

Lumipad ang missile mula Abdul Kalam island at bumagsak sa karagatan ng Odisha.

Tinatayang mayroong nang 120 hanggang 130 nuclear missiles ang India kumpara sa libu-libong mayroon ang Estados Unidos.

Mula pa taong 2012 ay limang beses nang isinagawa ang ballistic missile test ng Agni-V na nagiging dahilan upang maging mainit ang relasyon ng India sa Pakistan at China.

TAGS: Agni-V, India Ballistic Missile, India Defense Ministry, Agni-V, India Ballistic Missile, India Defense Ministry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.