Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara de Representante ang panukalang amyendahan ang Article 359 ng Revised Penal Code o Slander by Deed.
Sa ilalim ng House Bill 6148, ang sinumang maghahain ng gawa-gawang kaso sa korte at quasi-judicial bodies na naglalayong i-dishonor at i-discredit ang isang indibidwal ay papatawan ng parusang prision mayor sa kanyang medium period o multa na P100,000 o pareho.
Nakasaad sa panukala na kapag hindi ‘serious in nature’ ang false charges mahaharap sa parusang prision mayor sa kanyang minimum period o multa na P50,000 ang mapapatunayang nagkasala.
Nakasaad din sa panukalang amyenda na kapag napatunayan sa isinagawang imbestigasyon o pagdinig sa korte na ginawa ng akusado ang paghahain ng gawa-gawang kaso ay upang makakuha ng paborableng desisyon sa kahit anumang bagay papatawan ito ng maximum na parusa.
Sa kasalukuyan ang mapapatunayang guilty sa nasabing kaso ay mapapatawan lamang ng parusang aresto menor hanggang prision correctional o multa na mula 200 hanggang 1,000 piso.