Magnolia Hotshots, naitala ang ikatlong sunod na pagkapanalo

By Rhommel Balasbas January 21, 2018 - 04:09 AM

PBA images

Wagi ang Magnolia Hotshots kontra Phoenix Fuel masters sa iskor na 97-91 sa kanilang naging laban kagabi para sa 2018 PBA Philippine Cup.

Ito na ang ikatlong sunod na pagkapanalo ng koponan.

Ayon kay Magnola Coach Chito Victolero, tatlong bagay ang nagpanalo sa kanila at ito ay ang, ‘talas ng isipan, pagsisikap at pagnanais na magwagi. ‘

Alam anya nila na magiging mahirap ang laban dahil kagagaling lamang ng Phoenix sa pagkatalo at nakatakdang bumawi ang mga ito.

Nagpapasalamat si Victolero at hindi bumigay sa pressure ang kanyang mga manlalaro.

Nanguna para sa Magnolia si Paul Lee para sa kanyang 20 points habang nanguna para sa Phoenix si Gelo Alolino na nagtala ng 19 puntos

TAGS: 2018 PBA Cup, Magnolia Hotshots, Phoenix Fuel Masters, 2018 PBA Cup, Magnolia Hotshots, Phoenix Fuel Masters

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.