(UPDATED)
Mahigit siyam na oras nang nasusunog ang gusali ng Yakult Philippines sa Agoncillo Street sa Malate, Maynila.
Sa kapal ng usok na nagmumula sa nasusunog na gusali ay nahihirapan pa rin ang mga bumbero na apulahin ang sunog na itinaas na sa ikatlong alarma. Sa ngayon ay fire under control na ang naturang pagliliyab.
Ayon sa mga otoridad, nagsagawa sila ng ventilation process para makatulong sa pagpatay sa sunog.
Naka-suot na rin ng breathing apparatus ang mga bumbero para makapasok sa gusali.
Sinasabing nagmula ang apoy sa imbakan ng mga dokumento na nasa ikatlong palapag ng Yakult Building.
Ayon sa mga otoridad, nailikas naman lahat ng mga manggagawa mula sa loob ng nasusunog na gusali.
Dahil sa nagaganap na sunog ay isinarado na sa publiko at trapiko ang mga kalye ng Agoncillo at Escoda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.