Paggawa ng batas hindi dapat solohin ng Kamara ayon kay Lacson
Pinaalalahanan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si House Speaker Pantaleon Alvarez na ang Kongreso ay isang bicameral system.
Sinabi ni Lacson na sa ilalim nito, hindi maaaring magpasa ang isang kapulungan ng anumang legislation.
Inihalimbawa ng senador ang pagpasa ng batas para sa pambansang pondo na kinakailangang desisyunan ng Kamara at Senado lalo na ang pag-amyenda sa Saligang Batas.
Magugunitang ipinahayag ni Alvarez na maisusulong ng Kongreso, bilang isang constituent assembly, ang pag-amyenda sa Saligang Batas kahit na hindi dumalo ang mga senador.
Iginiit ng mambabatas na kayang maabot ng Kamara ang 3/4 na botong kinakailangan para amyendahan ang Konstitusyon.
Ayon kay Alvarez, dapat magkasamang bumoto ang dalawang kapulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.