Bukas malalaman kung tuloy ang water reduction sa Metro Manila
Inaasahang maglalabas na ng desisyon bukas, araw ng Lunes ang National Water Resources Board o NWRB kung magpapatuloy pa ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David, kahit na patuloy ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam, nakatipid naman ang mga customer ng Maynilad at Manila Water sa paggamit ng tubig ngayong buwan ng Setyembre.
Mula sa 38 cubic meters per second na inilalabas na tubig ginawang 30 cubic meters per second na lamang ang ibinibigay sa mga water concessionaire.
Sinabi ni David na isa ito sa kanilang pinagbabatayan kung magpapatuloy pa ang pagbabawas ng alokasyon ng tubig ngayong buwan ng Oktubre bukod pa ang paglakas ng epekto ng El Niño phenomenon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.