Regular na inspeksyon sa aduana pangungunahan ni Lapeña

Inquirer photo

Personal na pangungunahan ni Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña ang kampanya laban sa smuggling.

Ayon kay Lapeña, gagawin niyang regular ang pagsasagawa ng spot inspection sa mga kargamento sa Manila International Container Port bilang bahagi ng pinaigting na paghihigipit sa smuggling activity.

Sa pamamagitan aniya ng mga random inspection, malalaman nila kung undervalued o misdeclared ang mga lamang ng mga shipment.

Tiniyak naman ni Lapeña na ang mga kargamento na walang discrepancy sa deklarasyon ay agad nilang idedeklara na “cleared” para hindi maabala ang mga tapat na importer.

Tulad ng naman ng naging pahayag ng pangulo, sisirain sa aduana ang mga smuggled goods kahit na iyung mga mamahalin tulad ng mga sports car ayon pa sa nasabing opisyal.

Read more...