Inanunsyo ng White House ang federal government shut down, Biyernes ng gabi makaraang upuan ng mga senador ang panukalang budget ng gobyerno.
Ito ang ikalawang pagkakataon na naganap ang government shutdown bagaman kontrolado ng ruling party ang kanilang kongreso.
Sinabi naman ng mga kapartido ni U.S President Donald Trump na sadyang sinabotahe ang kanilang pondo ng mga kasapi ng Democrats para sirain ang unang taong anibersaryo sa pwesto ng U.S president.
“Tonight, they put politics above our national security, military families, vulnerable children, and our country’s ability to serve all Americans,” ayon kay White House Press Secretary Sarah Sanders.
Ipinaliwanag rin ng White House na ang ginawa ng Democrats ay isang uri ng pananabotahe para idiskaril ang Trump administration.
Dagdag pa ni Sanders, “We will not negotiate the status of unlawful immigrants while Democrats hold our lawful citizens hostage over their reckless demands. This is the behavior of obstructionist losers, not legislators.”
Kinakailangan ng 60 votes sa Senado para maipasa ang pondo ng federal government.
Sa House of Representatives ay nakakuha ng malaking lamang ang Democrats sa botong 230-197.
Nauna dito ay ibinasura ang Republican ang naunang panukala ng Democrats para paabutin ang pondo ng gobyerno nang hanggang sa January 29 o isang araw bago ang State of the Union Address ni Trump.
Ang isyu ng deportation sa mahigit sa 700,000 mga illegal immigrants ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nakalusot ang panukalang budget sa ilang mga pangunahing ahensya ng U.S government.
Una dito ay inihayag ng Democrats na dapat munang tiyakin ng pamahalaan ni Trump na hindi maaapektuhan ng deportation lalo na ang mga anak ng mga tinaguriang “Dreamers”
Ang “Dreamers” ay nauna nang nabigyan ng temporary legal status sa loob ng U.S sa pamamagitan ng inisyatibo ni dating U.S President Barrack Obama.
Ang huling U.S shutdown ay naganap noong 2013 na tumagal ng 16 na araw