Mga kalsada inayos ng DPWH para sa Ati-Atihan at Dinagyang festival

By Cyrille Cupino January 20, 2018 - 12:21 PM

Inquirer file photo

Nag-deploy na ang Department of Public Works and Highways ng maintenance team para tiyaking ligtas ang mga kalsada sa gaganaping Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan, at Dinagyang Festival sa Iloilo City ngayong Enero.

Ayon kay DPWH Region 6 Director Wenceslap Leaño Jr., inatasan niya na ang mga district offices sa Aklan at Iloilo na siguruhing maayos ang kundisyon at accessible ang mga ito sa mga motorista at publiko.

Para sa Ati-Atihan Festival, nagsagawa na ng maintenance ang DPWH Aklan Engineering Office sa mga pangunahing kalsada sa Kalibo upang matiyak na walang mga crack, mga butas at lubak ang mga kalsada.

Nagsagawa rin ng thermoplastic pavement markings at repainting ng mga bangketa at gutter sa kahabaan ng Jaime Cardinal Sin Avenue na siyang daan papunta sa Kalibo International Airport.

Samantala, sa Iloilo, nagdeploy na rin ng mga crew para sa iba’t iban maintenance activities tulad ng repainting ng kalsada at gutter, pag-iinstall ng mga signage, de-clogging ng drainage para sa Dinagyang Festival.

TAGS: atiatihan, dinagyang festival, DPWH, roadworks, atiatihan, dinagyang festival, DPWH, roadworks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.