Bilang ng mga may sakit sa mga evacuation centers sa Albay tumaas
Aabot na sa 332 kaso ng mga may sakit sa evacuation centers sa lalawigan ng Albay ang naitala ng Depertment of Health Region 5.
Ito ay kaugnay sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon kung saan ay sinabi ng mga health officials na inaasahan pa nilang lolobo ang nasabing bilang.
Sa isinagawang Rapid Health Assessemnt ng Department of Health Region 5, sinabi ni Dr. Napoleon Arevalo, mula January 14 hanggang January 19 nasa 332 cases na ng mga may sakit na evacuues ang naitatala nila.
Kabilang sa tala ng DOH ang mga sumusunod:
- Acute Respiratory Infection/ubo at sipon – 169 cases
- Headache and fever -36 cases
- Wounds- 22 cases
- Hypertension- 19 cases
- Musculo Skeletal Disease- 15 cases
Samantala, nilinaw naman ng DOH na susuriin pa nila maigi ang mga datos dahil yung ibang evacuees naman ay matagal ng nagkasakit bago pa man pumasok sa loob ng evacuation centers.
Tiniyak naman ng mga health officials na sapat ang kanilang mga gamot para sa mga magkakasakit na mga evacuees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.