P1.2 Million reward para sa mga suspek na pumatay sa Nueva Ecija official

FB photo

Naglaan ng P1.2 Million na pabuya ang lokal na pamahalaan ng Talavera sa Nueva Ecija para sa impormasyon na ikadarakip ng suspek sa pamamaslang sa chief aide at secretary ni Nueva Ecija Governor Czarina Umali.

Una nang naglaan ng P200,000 na pabuya si Talavera Mayor Nerevie Santos pero dinagdagan ito ng P1 Million ni Governor Umali.

Ang chief aide ni Umali na si Marry Ann Hernandez Nito ay pinagbabaril sa isang gasoline station sa nabanggit na bayan.

Dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang bumaril kay Nito habang sakay ng kanyang sasakyan sa harap mismo ng mister at dalawang anak nito.

Anggulo sa pulitika at negosyo ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa naganap na pananambang.

Read more...