Niyanig ng malakas na lindol ang Gulf of California at naramdaman din ito sa Hilagang bahagi ng bansang Mexico.
Sa ulat ng U.S Geological Survey (USGS), naitala ang lakas ng lindol sa magnitude 6.3 at ang epicenter ay natagpuan sa layog 77 kilometers Hilaga ng bayan ng Loreto sa Baja California Sur kaninang 12:07 ng umaga oras sa Mexico.
Bagaman malakas ang naramdamang pagyanig, sinbai naman ng Mexican Federal Emergency Service na walang naitalang tsunami.
Sa katatapos na press conference, sinabi ni Mexican Prsident Enrique Peña Nieto na bagaman may mga nasirang gusali ay walang naiulat na namatay dahil sa lindol.
Gayunman ay nagbabala pa rin ang opisyal kaugnay sa mga inaasahang mga aftershocks.
Sinabi pa ni Nieto na naitala sa Sinaloa State ang pinakamaraming mga nasirang istraktura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.