Bishop Bacani: Hindi dapat ipagkatiwala sa mga kongresista ang cha-cha

By Den Macaranas January 20, 2018 - 09:37 AM

Kinastigo ng isang Obispo ng Simbahang Katolika ang umano’y pagpupumilit ng Kamara na isulong ang Constituent Assembly bilang paraan sa pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sinabi ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na hindi dapat ipagkatiwala lamang sa mga kongresista ang pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Malinaw umano na sunud-sunuran lamang ang Kamara sa mga kagustuhan ng Malacañang.

Kinakailangan ayon kay Bacani ang hiwalay na boto ng mga senador at mga kongresista sa Con-Ass.

Ipinaliwanag rin ng nasabing opisyal ng simbahan na hindi naman nangangahulugan na gaganda na ang buhay ng mga Pinoy kapag naisulong ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na federalism.

Maari pa umanong maging ugat ito ng lalong pagkakawatak-watak ng mga Pinoy.

Samantala, sinabi naman ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Archbishop Socrates Villegas na mas mainam sa bansa ang Constituent Convention kumpara sa Con-Ass na paraan sa charter change.

Malinaw umano sa Con-Ass na may mga sariling interes na isinusulong ang mga pulitiko kung kaya’t minamadali nila ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

Wala namang inilalabas na opisyal na pahayag ang CBCP sa nasabing isyu.

Ang CBCP ay pinamumunuan ngayon ni Davao Archbishop Romulo Valles na sinasabing malapit na kaibigan ng pangulo.

TAGS: bishop bacani, CBCP, chacha, con ass, concon, duterte, bishop bacani, CBCP, chacha, con ass, concon, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.