PNP sasagutin ang pyansa ng mga pulis sa Mandaluyong shooting incident

By Cyrille Cupino January 20, 2018 - 09:08 AM

Inquirer file photo

Sasagutin ng Philippine National Police ang piyansa ng mga pulis na nasangkot sa misencounter sa Mandaluyong City.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa, responsibilidad ng PNP na tulungan ang mga miyembro nito.

Dahil dito, nagsisimula na silang mag-ipon ng pondo para sa piyansa ng sampung pulis na kinasuhan ng double homicide at double frustrated homicide.

Batay sa kautusan ng Mandaluyong RTC Branch 21, aabot sa P128,000 ang piyansang kailangan ilagak ng bawat sangkot na pulis.

Nanindigan ang PNP Chief na bagaman pumalpak ang mga pulis-Mandaluyong, nararapat pa rin silang tulungan.

Paliwanag ni Dela Rosa, nagkamali lamang ang mga ito dahil sa maling impormasyon na ibinigay ng mga tanod ng Brgy. Addition Hills, pero wala silang masamang intensyon nang mangyari ang insidente.

TAGS: dela rosa, mandalung shooting, PNP, dela rosa, mandalung shooting, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.