China, pinayagan ng Pilipinas na magsagawa ng maritime research sa Benham Rise

By Rhommel Balasbas January 20, 2018 - 05:42 AM

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pumayag ang gobyerno ng Pilipinas sa hiling ng China na magsagawa ng maritime research sa Benham Rise.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumayag sa hiling ng China.

Ito ay sa kondisyong susundin ng China ang maritime laws ng bansa at iba pang kinakailangang kondisyon kabilang ang pagsama ng isang Filipino scientist sa pagsasagawa ng pag-aaral.

Dahil dito, magiging isa umano itong joint maritime exploration at anumang datos sa pag-aaral ay kailangang ibahagi sa Pilipinas.

Iginiit ni Cayetano na makikinabang ang bansa sa naturang pag-aaral.

Gayunman, ayon sa kalihim, tanging China lang ang pinayagan at hindi ang iba pang nag-apply sa bansa tulad ng isang Non-government organization mula sa France.

Samantala, nagpahayag na rin ng kagustuhang manaliksik sa naturang maritime territory ang Estados Unidos at Russia.

Ang Benham Rise na tinatawag na ngayon ng gobyerno na Philippine Rise ay isang mayamang bahagi ng karagatan sa Silangan ng Luzon na idineklara ng United Nations na ‘extended continental shelf’ ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.