1 patay sa pagsalpok ng truck sa tricycle sa Los Baños

Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang kaniyang pasahero matapos silang aksidenteng masalpok ng isang truck sa Los Baños, Laguna, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Noel de Vera, residente ng Barangay Bambang habang ang sugatang pasahero naman ay si Jessa Mangana na isinugod rin sa ospital.

Ayon sa hepe ng Los Baños police na si Supt. Alex delos Santos, naganap ang aksidente pasado alas-3:00 ng hapon sa national highway sa bahagi ng Barangay Lalakay.

Patuno sa direksyon ng Calamba City ang tinatahak ng tricycle nang bigla silang bungguin ng truck na nagmula sa kabilang lane ng highway.

Sa ngayon naman ay hawak na ng mga pulis ang truck driver na nakilalang si Francisco Cabigas mula Meycauayan, Bulacan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kung bakit sinalpok ng truck ang naturang tricycle na sinasakyan ng mga biktima.

Read more...