Bahagi ng EPZA na pag-aari rin ng HTI, nasunog

By Kabie Aenlle, Rhommel Balasbas January 20, 2018 - 12:00 AM

Photo Courtesy: Sen. Richard Gordon | Philippine Red Cross

(Update) Sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng Export Processing Zone Authority (EPZA) sa Rosario, Cavite.

Nagsimula ang sunog ganap na 9:49 na ng gabi na agad itinaas sa ikatlong alarma.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Calabarzon, itinaas na ang sunog sa Task Force Alpha ganap na 10:50 ng gabi.

Ayon kay Cavite Gov. Boying Remulla, nagsimula ang sunog sa wood cutting area ng House Technoligy Industries (HTI).

Wala naman aniyang tao sa loob ng mga nasabing gusali nang sumiklab ang sunog dahil naglabasan na ang mga ito 5:30 ng hapon.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung magkano ang halaga ng pinsalang naidulot ng sunog, pero inaalam na ito ng mga otoridad.

Dakong 12:01 naman ng madaling araw ay naideklara nang under control ang nasabing sunog.

Ito na ang ikalawang insidente sunog na naganap sa naturang lugar mula noong 2017.

Photo Courtesy: Sen. Richard Gordon | Philippine Red Cross

February 1 noong nakaraang taon ng masunog ang pabrika ng House Technologies Industries (HTI) kung saan mahigit 100 ang naitalang sugatan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.