Aapela ang MIASCOR kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipag-utos ang termination ng kanilang kontrata sa mga paliparan sa bansa.
Ayon sa MIASCOR, personal silang aapela sa pangulo dahil 4,000 regular employees nila at kanilang pamilya ang maaapektuhan ng pag-terminate sa kontrata.
Nakalulungkot umanong ang nagawa ng anim nilang empleyado sa Clark International Airport ay nakaapekto sa buong kumpanya.
Sinabi ng MIASCOR na ang insidente kamakailan ay hindi sumasalalim sa buong kumpanya at sa kung paano ito mag-operate.
Ayon sa MIASCOR, 1974 pa ay nagsimula na silang magsilbi sa mga pangunahing paliparan sa Pilipinas kabilang na ang NAIA.
Muli din itong humingi ng paumanhin kay Jovenil Dela Cruz, ang OFW na nawalan ng mga gamit sa kaniyang bagahe sa Clark.