Mga sundalo, isang taon na libre ang sakay sa LRT-2
Libre ang sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa loob ng isang taon.
Ito ay bilang pasasalamat sa tropa ng pamahalaan na lumaban sa giyera sa Marawi City.
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) public relations head Lyn Paragas-Janeo isang memorandum of agreement ang nilagdaan nila at ng AFP para sa libreng sakay sa mga sundalo.
Ang naturang memorandum ay epektibo na ngayong buwan ng Enero at tatagal hanggang December 2018.
Ayon kay Janeo, kailangan lang ipakita ng mga sundalo ang kanilang ID sa teller sa ticket booth o sa ibang tauhan ng LRTA sa mga istasyon ng tren para mai-avail ang libreng sakay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.