SAP Bong Go handang dumalo sa Senate hearing sa isyu sa weapons program ng Navy

By Rohanisa Abbas January 19, 2018 - 05:33 PM

INQUIRER File

Handa si Special Assistant to the President Christopher ” Bong” Go na humarap sa posibleng pagdinig ng Senado ukol sa pagbili ng mga barko ng Philippine Navy na nagkakahalagang P15.7 bilyon.

Sinabi ni Go na dadalo siya sa pagdinig ng Senado kung iimbitahan siya.

Inihain ng mga senador ang Resolution No. 584 na naglalayong imbestigahan ang estado ng Armed Forces of the Philippines Modernization program.

Una nang sinabi ng Malacañang na bukas sila sa posibleng pagdinig ng Senado kaugnay nito para bigyang linaw ang mga usapin dito.

Si Go ay idinadawit sa pangingialam umano sa procurement para sa computer system ng Philippine Navy, ngunit pinabulaanan din ito ni Go.

 

 

 

 

 

 

TAGS: bong go, frigate, philippine navy, senate investigation, weapons program, bong go, frigate, philippine navy, senate investigation, weapons program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.