Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, kulang pa ang halaga na inirefund ng DOH pero maliit na lang umano ang kakulangan.
Ginawa ni Duque ang pahayag sa pakikipag-usap ng kalihim sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia sa Pampanga.
Kahit nagsauli na ng pera, sinabi ni Duque na hindi naman doon matatapos ang usapin dahil kung may mapapatunayan na may pagkukulang sa panig ng kumpanya ay dapat pa ring may managot.
Noong Lunes, sinabi ng Sanofi Pasteur na tutugon sila sa kahilingan ng DOH na isauli ang pera para sa mga Dengvaxia vial na hindi naman nagamit.
Nasa P1.4 billion ang hiniling na refund ng DOH at sa ngayon, P1,161,000,000 na ang naisauli ng Sanofi.