Sanofi nagsauli na ng mahigit P1B sa DOH para sa mga hindi nagamit na Dengvaxia

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2018 - 04:38 PM

Isinauli na ng Pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa pamahalaan ang mahigit P1 billion para sa mga hindi nagamit na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, kulang pa ang halaga na inirefund ng DOH pero maliit na lang umano ang kakulangan.

Ginawa ni Duque ang pahayag sa pakikipag-usap ng kalihim sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia sa Pampanga.

Kahit nagsauli na ng pera, sinabi ni Duque na hindi naman doon matatapos ang usapin dahil kung may mapapatunayan na may pagkukulang sa panig ng kumpanya ay dapat pa ring may managot.

Noong Lunes, sinabi ng Sanofi Pasteur na tutugon sila sa kahilingan ng DOH na isauli ang pera para sa mga Dengvaxia vial na hindi naman nagamit.

Nasa P1.4 billion ang hiniling na refund ng DOH at sa ngayon, P1,161,000,000 na ang naisauli ng Sanofi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, Radyo Inquirer, Sanofi Pasteur, anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, Radyo Inquirer, Sanofi Pasteur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.