2 pulis Caloocan, kinasuhan na DOJ kaugnay sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman

By Alvin Barcelona January 19, 2018 - 05:05 PM

PHOTO by RYAN LEAGOGO/INQUIRER.net

Kinasuhan na ang dalawa sa miyembro ng Caloocan police na isinasangkot sa kontrobersiyal na pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Sa 35-pahinang resolusyon ng panel of prosecutor, nakakita ito ng probable cause para kasuhan sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Rocky Arquilita ng tig-dalawang kaso ng murder.

Kinasuhan din ang dalawang respondent ng tig-isang kaso ng planting of evidence o paglabag sa RA 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulation act at tig-dalawang kaso ng paglabag sa section 29 ng dangerous drugs act of 2002 dahil sa pagtatanim ng shabu at marijuana sa mga biktima.

Dagdag na kasong paglabag sa anti-torture law o republic act 9475 ang isinampa ang sa mga respondent kaugnay ng natagpuang bangkay ni alyas Kulot sa isang creek sa gapan, nueva ecija na tadtad ng saksak sa katawan at nakabalot pa ang ulo.

Ayon kay DOJ Prosecutor General George Catalan, ang mga kaso ay isinampa na sa Caloocan Regional Trial Court.

Dinismis naman ang kaso laban sa taxi driver na si Tomas Bagcal na sinasabing hinoldap ni Arnaiz.

 

 

 

 

TAGS: caloocan police, carl angelo arnaiz, DOJ, Jeffrey Perez, Rocky Arquilita, caloocan police, carl angelo arnaiz, DOJ, Jeffrey Perez, Rocky Arquilita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.