LOOK: Mga lansangang maaapektuhan ng road repairs ngayong weekend
Ilang lansangan sa Quezon City at Caloocan City ang maaapektuhan ng road repairs at reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang reblocking alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, January 19 at tatagal hanggang sa lunes ng umaga.
Dahil dito, pinayuhan na ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga sumusunod na kalsada na maapektuhan ng reblockings at repairs:
Southbound:
- Bonifacio Avenue mula Bulusan St. hanggang Calavite St., Quezon City (middle lane and inner lane)
Northbound:
- Visayas Avenue North Bound sa harap ng NFA office (inner lane)
- EDSA North Bound mula Howmart hanggang Oliveros (fifth lane)
- Congressional Avenue Extension, Miranilla Gate, Quezon City (third lane)
- Bonifacio Monumento Circle, Caloocan City
- P. Garcia Avenue mula P. Castañeda St. hanggang Pook Aguinaldo St., Quezon City (intermittent, second lane)
- Congressional Avenue mula EDSA hanggang Cagayan, Quezon City (first lane)
- Quirino Highway malapit sa Sacred Heart of Jesus, Quezon City (Inner lane)
Ayon sa MMDA, 5:00 ng umaga sa Lunes, January 22 ay bubuksan nang muli sa mga motorista ang nasabing mga kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.