Lalo pang lumakas ang bagyong ‘Jenny’ habang ito ay kumikilos patungong kanluran hilagang kanluran sa direksyon ng West Philippine Sea.
Kaninang alas 10:00 ng umaga ang mata ng bagyong ‘Jenny’ ay namataan sa layong 590 kilometro silangan hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pabugso na nasa 210 kilometro bawat oras.
Ang bagyong ‘Jenny’ ay kumikilos patungong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Nakataas pa rin ang babala ng Public Storm Warning Signal #1 sa Batanes group of islands.
Bukas ng umaga ang bagyong ‘Jenny’ ay tinatayang nasa layong 395 kilometro hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes; samantalang sa Martes ng umaga ito ay tinatayang nasa 475 kilometro hilaga hilagang-kanluran ng Itbaya.
Sa Miyerkules ang bagyo ay nasa 835 kilometro hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.