Height requirement inalis na para sa mga gustong mag-pulis

Radyo Inquirer File Photo | Ruel Perez

Hindi kasama bilang requirement para maging isang pulis ang height.

Ayon sa National Police Commission (Napolcom) inalis na nila ang height requirement para sa mga aplikante at epektibo ito sa April 22, 2018.

Kinakailangan lamang ay bacherlor’s degree holder at hindi lalagapas ng edad 30 ang nais na mag-apply ayon kay Napolcom Vice Chairman at Executive Officer Atty. Rogelio Casurao.

“Starting with the April 22, 2018 police examinations, there shall be no height requirement for the Philippine National Police (PNP) entrance exam applicants as long as they are bachelor’s degree holder and not more than 30 years old,” ani Casurao.

Samantala, inanunsyo din ng Napolcom na maari nang magamit ng mga aplikante ang kanilang online examination application scheduling system (OLEASS).

Makikita ito sa website ng Napolcom na www.napolcom.gov.ph o www.napolcom-oleass.com.

Ang mga interesadong aplikante at nais na mag-pulis ay maaring mag-sign up mula January 29 hanggang February 2 para sa PNP entrance exam; February 5 hanggang 9 para sa Police Officer exam; at February 12 para sa Senior Police Officer, Inspector, at Superintendent exam.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...