MRT-7 contractors, maaring mapatawan ng multa kung hindi makikipagtulungan sa MMDA

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2018 - 03:21 PM

DOTr Photo

Binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang contractors na sangkot sa kontruksyon ng MRT 7 na maari silang papanagutin kung mabibogo silang makipagtulungan sa ahensya para matiyak ang maayos na daloy ng traffic.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, hindi pwedeng basta-basta kumilos ang mga contractor nang hindi ipinapaalam sa ahensya.

Sa sandali kasi aniyang magkaroon ng aberya, malaking abala na ito sa traffic.

Katunayan ayon kay Garcia, isang orange barrier lang ang kumalat o mawala sa pwesto ay magdudulot na ito ng 2 hanggang 5 kilometrong traffic at matinding perwisyo na ito sa mga motorista.

Para sa ginagawang istasyon ng MRT 7 sa North Avenue, sinabi ni Garcia na ang konstruksyon ay limitado lang sa innermost lane at ang mga major construction movement ay maari lang gawin sa pagitan ng alas 11:00 ng gabi at alas 5:00 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT 7, North Avenue, dotr, MRT 7, North Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.