Sa loob lamang ng isang buwan, umabot sa 71 mga bata na nabakunahan ng Dengvaxia ang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).
Ayon kay QMMC Assistant Director Lino Santigo Pabillo, sa 71 mga bata na naturukan ng Dengvaxia at dinala sa kanilang emergency room mula noong nakaraang buwan ng Disyembre, walo ang nakumpirmang positibo sa dengue.
Gayunman, napauwi na ang mga ito dahil bumiti na ang kondisyon.
Nasa 22 naman pa ang nananatili sa ospital at inoobserbahan pero wala aniyang senyales na ang sakit ng mga ito ay may kinalaman sa dengue.
Una nang napaulat na dumadagsa sa mga ospital ang mga batang nakikitaan ng sintomas dengue.
Agad umanong dinadala sa ospital ang mga batang nakikitaan ng sintomas lalo na kung ang mga ito ay nabakunahan ng Dengvaxia.