19 na babaeng Russian, ipapatapon palabas ng bansa ng BI matapos maaresto sa nightclub

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2018 - 01:43 PM

INQUIRER FILE PHOTO

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang 19 na babaeng Russian sa Pampanga.

Maliban sa 19 na Russian, inaresto din ang dalawang Korean nationals na pinaniniwalaang recruiter at employers ng mga ito sa isinagawang operasyon ng mga intelligence agent ng BI sa Angeles City.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang dalawang Koreans ay sina Jeong Seonghun at Lee Kyurak na nagtatrabaho bilang cashier at manager sa sinalakay na nightclub.

Ani Morente, naaktuhan umano ng arresting team ang mga babae habang naninilbihan bilang guest relations officers sa loob ng Club Angel sa Clark Field.

Pawang wala aniyang working visas ang mga inarestong dayuhan at sangkot din sa prostitusyon ang nightclub dahil natuklasang ang mga customer nito ay nagbabayad ng hourly rate na P1,500 para sa serbisyo ng mga babae.

Samantala, sinabi ni BI intelligence officer Jude Hinolan, pinuno ng arresting team, ang dalawang Koreans ay kapwa overstaying foreigners na. Sila ay dumating sa bansa bilang mga turista.

Sasampahan ng kasong paglabag sa anti-trafficking law ang dalawang Korean nationals.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti-trafficking law, nightclub in Angeles City, Pampanga, anti-trafficking law, nightclub in Angeles City, Pampanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.