2 bata ang patay, 8 ang sugatan sa pagsabog ng pinaglalaruang rifle grenade sa Sulu

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Mindanao January 19, 2018 - 12:39 PM

Dalawang bata ang nasawi, habang sugatan ang walong iba pa makaraang sumabog ang pinaglalaruan nilang 40-millimeter rifle grenade projectile sa bayan ng Parang sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, hepe ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) police, ang rifle grenade projectile ay nakita ng isa sa mga bata sa bukirin sa Barangay Kanaway Huwebes ng hapon.

Dinala umano niya ito sa isang barung-barong at doon pinaglaruan kasama ang iba pang mga bata.

Sinabi ni Mijares na maaring pinaputok ang nasabing rifle grenade mula sa kung saan pero hindi ito sumabog nang bumagsak sa lupa.

Inaalam pa kung paano naganap ang pagsabog pero maaring pinaglaruan umano ito ng mga bata.

Matapos ang pagsabog isinugod lahat ang mga bata na edad 3 hanggang 10 na pawang dinala sa malapit na pagamutan.

Pero ayon kay Sulu Provincial Director Sr. Supt. Mario Buyucan, dalawa sa mga ito ang nasawi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 40-millimeter rifle grenade projectile, ARMM, Parang Sulu, 40-millimeter rifle grenade projectile, ARMM, Parang Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.