Bulkang Mayon posibleng hindi na magkaroon ng explosive erruption ayon sa PHIVOLCS

By Dona Dominguez-Cargullo January 19, 2018 - 11:08 AM

PHIVOLCS DOST

Maaring hindi na mauwi sa mapaminsalang pagsabog ang pag-aalburuto ngayon ng bulkang Mayon.

Ayon sa PHIVOLCS, maaring maituring na “non-explosive eruption” ang kasalukuyang aktibidad ng bulkan na gaya ng naging aktibidad nito noong 2006 at 2009.

Sinabi ng PHIVOLCS na magkakaroon lamang ng major eruption kung mayroong excessive pressure dahil sa dami ng gas volume sa loob ng bulkan.

Sa isinagawang aerial inspection ng PHIVOLCS, wala ring nakitang “explosive deposits” sa bulkang Mayon.

Sa kabila nito patuloy ang paalala ng PHIVOLCS sa mga residente sa mudflow at lahar flow dahil sa nararanasang pag-ulan sa Albay.

Nananatili pa ring nakataas ang alert level 3 sa Mayon Volcano kaya ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa danger zone sa palibot nito.

 

 

 

 

 

 

TAGS: mayon volcano, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mayon volcano, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.