Estudyante arestado sa pagbebenta ng high-grade na marijuana

By Rod Lagusad January 19, 2018 - 07:27 AM

Kuha ni Rod Lagusad

Arestado ang isang estudyante sa isinagawang buy-bust operation sa isang gasolinahan sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Ang suspek na si Mikey Santos, 21-anyos ay isang 4th year marketing student sa isang kolehiyo sa Mandaluyong.

Nakuha mula kay Santos ang 10 sachet ng kush o high-grade na marijuana na tinatayang aabot sa P25,000 ang halaga.

Ayon kay Senior Insp. Joel Cabauatan ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police, isang tauhan nila ang nagpanggap na buyer para bumili kay Santos.

Matapos maisagawa ang transaksyon ay doon na dinakip ang suspek.

Ani Cabauatan, nauuso na umano ngayon ang kush dahil malakas ang tama nito kumpara sa ordinaryong marijuana.

Mas delikado aniya sa katawan ng tao ang kush.

Pawang mga estudyante at mayayaman ang customer ni Santos.

 

 

 

 

TAGS: high grade marijuana, quezon city, student arrested for selling marijuana, high grade marijuana, quezon city, student arrested for selling marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.